--Ads--

Nagpasalamat si Ruffa Gutierrez sa dating asawang si Yilmaz Bektas matapos nitong mag-post ng pagbati at pagkilala sa kanyang sakripisyo bilang ina sa Mother’s Day.

Sa mensahe ni Bektas, pinuri niya si Ruffa sa pagpapalaki sa kanilang mga anak na sina Lorin at Venice, at nagpasalamat sa lahat ng ginawa nito para sa pamilya.

Bilang tugon, sinabi ni Ruffa na nananatiling pokus niya ang pag-aalaga sa kanilang mga anak at itinuturing niya itong pinakamahalagang tungkulin sa kanyang buhay.

Matatandaang kamakailan lamang ay ipinagdiwang ni Ruffa ang pagtatapos ng kanyang panganay na si Lorin sa kolehiyo sa Pepperdine University sa California.

--Ads--

Sa ngayon, nananatiling maayos ang ugnayan ng magkabilang panig sa pamamagitan ng kanilang mga anak.