--Ads--
Nagwagi ang Pinay tennis star na si Alex Eala laban kay Magdalena Frech ng Poland sa unang round ng Italian Open matapos ang tatlong set na laban.
Nagtapos ang laban sa iskor na 6-0, 0-3, at 6-4 pabor kay Eala.
Malakas ang naging simula ni Eala matapos dominahin ang unang set, subalit nakabawi si Frech sa ikalawang set. Sa huling set, muling ipinakita ng Filipina netter ang kanyang composure at determinasyon upang maselyuhan ang panalo.
Sa pamamagitan ng nasabing tagumpay, umusad si Eala sa susunod na round ng torneo.
--Ads--










