--Ads--
Mahigit 103,000 magsasaka na apektado ng matinding tagtuyot ang nakatanggap ng kabuuang P915.3-milyong cash assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Batay sa datos hanggang Nobyembre 28, kabilang sa mga benepisyaryo ang 94,833 magsasaka sa Cagayan Valley na nakatanggap ng P824.8 milyon sa ilalim ng Emergency Cash Transfer program.
Namahagi rin ng P88.2 milyon sa 8,401 magsasaka sa Bicol Region at P2.2 milyon naman sa 250 magsasaka sa Oriental Mindoro sa ilalim ng Cash-for-Work program.
Samantala, umabot na sa 192,231 family food packs ang naipamahagi ng ahensya sa 11 rehiyon sa bansa.
--Ads--
Matatandaang umabot na sa mahigit P10 bilyon ang pinsala at pagkalugi sa sektor ng agrikultura dahil sa El Niño.











