--Ads--
Itinakda ng Department of Education (DepEd) ang Hunyo 1-5 bilang “Brigada Eskuwela” week, kung saan isasagawa ang paglilinis at paghahanda ng mga paaralan bago ang pagbubukas ng klase.
Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, sa panahong ito magsasama-sama ang mga guro, magulang, pulis, sundalo, at iba pang volunteers upang ayusin at linisin ang mga silid-aralan para sa paparating na school year.
Giit din ng kalihim, mahigpit na ipinagbabawal ang paghingi ng donasyon mula sa mga magulang, volunteers, at partner organizations.











