--Ads--
Naglunsad ng airstrikes ang Saudi fighter jets laban sa mga target na konektado sa mga Shi’ite militia na suportado ng Iran sa Iraq sa gitna ng giyera sa Iran, ayon sa mga ulat.
May mga ganting atake rin umanong isinagawa mula Kuwait patungong Iraq bilang bahagi ng lumalawak na tensyon sa rehiyon ng Gulf.
Target ng mga operasyon ang mga lugar na ginagamit sa drone at missile attacks laban sa Saudi Arabia at iba pang bansa sa Gulf, kabilang ang mga militia positions sa southern Iraq na napinsala noong Abril.











