--Ads--

Humataw sa international fashion scene si Anne Curtis matapos dumalo sa Gucci Cruise 2027 event sa New York, kung saan nakasama niya ang Chinese actor na si Zhang Linghe at Thai actress na si Davika Hoorne.

Ibinahagi ni Anne sa social media ang kanyang karanasan sa prestihiyosong fashion show na ginanap mismo sa Times Square, na pansamantalang isinara para sa luxury brand event.

Makikita rin sa kanyang mga post ang mga larawan kasama sina Zhang Linghe at Davika, pati na rin ang pakikihalubilo niya sa iba pang international celebrities.

Kabilang din sa mga dumalo sa nasabing event sina Kim Kardashian, Mariah Carey, Lindsay Lohan, Cindy Crawford, Paris Hilton, at Tom Brady.

--Ads--

Samantala, inamin ng mister ni Anne na si Erwan Heussaff na wala siyang nararamdamang selos sa tuwing napapanood ang asawa sa mga romantic scenes kasama ang ibang leading men.

Ayon kay Erwan, tanggap na niya ang propesyon ni Anne bilang aktres bago pa man sila nagpakasal.

Patuloy namang sinusubaybayan ng publiko ang kanilang pamilya, kabilang ang kanilang anak na unti-unti na ring nakikilala sa larangan ng endorsements.