--Ads--

Tiniyak ni Anne Curtis na maayos ang kanyang kalagayan matapos mapansin ng ilang netizens ang umano’y bukol sa kanyang leeg at magdulot ito ng pag-aalala sa social media.

Sa isang panayam, sinabi ng aktres na mas nais niyang manatiling pribado ang ilang personal na bagay na kanyang pinagdaraanan, ngunit tiniyak niyang wala namang dapat ikabahala ang kanyang mga tagasuporta.

Binigyang-diin din ni Curtis ang kahalagahan ng regular na pagpapasuri sa doktor at pag-aalaga sa kalusugan. Aniya, matagal na siyang sumasailalim sa taunang medical checkup bilang bahagi ng kanyang health routine.Samantala, nakatakdang pangunahan ni Anne ang Original Series na “BuyBust: The Undesirables” at tampok din siya sa tatlong pelikulang nakatakdang ilabas sa mga susunod na panahon.