--Ads--

Dalawang mambabatas mula sa party-list ang nagbitiw sa kanilang puwesto sa Kamara de Representantes nitong Lunes, Mayo 18.

Ito ang pinakahuling serye ng mga pag-alis sa mababang kapulungan kasunod ng pagbibitiw sa pwesto ng isang kongresista na iniuugnay sa bilyun-bilyong pisong umano’y anomalya sa flood control.

Sa isinagawang plenary session, inihayag ni Zamboanga del Sur Rep. Jeyzel Victoria Yu na natanggap na ng Kamara ang mga liham ng pagbibitiw nina 1Tahanan Party-list Rep. Nathaniel Oducado at Pinoy Workers Party-list Rep. Franz Vincent Legazpi.

Kasunod nito, pormal niyang inihain ang mosyon na alisin na ang dalawa sa opisyal na talaan ng mga miyembro ng Kamara de Representantes.

--Ads--