--Ads--

Nanawagan si House Deputy Minority Leader at Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña na ipasa na ang House Bill No. 6677 o ang EJK Victims Recognition and Reparation Act.

Layunin ng panukalang ito na magtatag ng isang opisyal na komisyon na mag-iimbestiga sa mga pagpatay at paglabag sa karapatang pantao noong war on drugs ng administrasyong Duterte, kasabay ng pagbibigay ng kompensasyon sa mga pamilya ng biktima.

Kasunod ito ng paglulunsad ng isang independent at civilian-led na Truth and Reconciliation Commission na pamumunuan ni dating ICC Judge Raul Pangalangan, kasama ang iba’t ibang eksperto at si Cardinal Pablo Virgilio David bilang adviser.

Umaasa si Cendaña na ang inisyatibang ito ng civil society at Simbahan ay magtutulak sa Kongreso na pabilisin ang batas.

--Ads--

Sa ilalim ng HB 6677, bubuuin ang Truth and Reconciliation Commission on EJKs at isang EJK Victims’ Memorial Board para sa pagpapatayo ng museo, upang matiyak na hindi na muling mauulit ang karahasan ng nakaraang administrasyon.