--Ads--

Target ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino na higit pang payabungin ang speed cubing sa Pilipinas matapos dagsain ang mga nakaraang torneo nito sa Tagaytay.

Kasunod ng matagumpay na pagdaraos ng unang Philippine National Speed Cubing Open sa Tagaytay City Combat Center, isusulong ni Tolentino na mailahok ito bilang isang demonstration sport sa darating na Southeast Asian Games Youth Plus sa Maynila sa susunod na taon.

Bukod dito, pinuno rin ng National League of Mind Sports at Asian Mind Sports Association (AMSA) ang pag-host naman ng Asian Championships sa bansa.

Ang hakbang na ito ay napanahon din sa pag-usbong ng mga lokal na talento, partikular na ang 15-anyos na si Crimson Arradaza mula sa Baguio City. Binasag ng incoming ninth grader ang dating world record sa 3x3x3 one-handed speed cubing nang malagpasan nito ang 5.66 segundong tala ni Dhruva Sai Meruva ng Switzerland noong 2024.

--Ads--

Bukod kay Arradaza, nagpakitang-gilas din sa pambansang torneo sina Brenton Wong sa regular cube at Aragon Martin Gonzales sa Pyraminx.