Matagumpay nang nailabas ang una sa limang lalaking na-trap nang mahigit isang linggo sa loob ng binahang kuweba sa Xaysomboun, Laos, matapos silang abutan ng flash flood noong Mayo 20 habang naghahanap ng ginto.
Natagpuan ang lima na magkakasamang nakasiksik sa putikan at nakararanas ng gutom at pananakit ng dibdib, habang dalawang kasamahan pa nila ang patuloy na pinaghahanap.
Naging mabilis ang operasyon dahil sa banta ng paparating na thunderstorms, at bagamat nabigo ang unang planong gamitan ng waterpump palabas ang tubig-baha.
Hindi pa isinisiwalat ng mga otoridad kung paano eksaktong nailabas ang unang biktima.
Ang mapanganib na operasyong ito ay matagumpay sa tulong ng mga eksperto mula sa Thailand, Indonesia, France, at Australia, kabilang ang mga diver na nakasama rin sa tanyag na pagliligtas sa Thai youth football team noong 2018.











