May sampung persons of interest (POI) na ang National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng umano’y tangkang pagpupuslit sa Pilipinas ng 521 kilo ng hinihinalang methamphetamine hydrochloride o shabu mula Laos.
Ayon sa NBI, natukoy na nila ang pagkakakilanlan ng sampung POI at nakipag-ugnayan na rin sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at iba pang ahensiya ng pamahalaan para sa mas malalimang imbestigasyon.
Tiniyak ng NBI na, katuwang ang PDEA at iba pang ahensiya, sisikapin nilang matukoy at papanagutin ang mga nasa likod ng tangkang pagpupuslit ng ilegal na droga sa bansa.
Matatandaang isang Pilipino ang naaresto sa Laos matapos umanong tangkaing isakay sa isang chartered flight ang daan-daang kilo ng hinihinalang ilegal na droga na nakatakda umanong dalhin sa Pilipinas.











