--Ads--

Napakomento si Sandiganbayan Presiding Justice Geraldine Econg sa dami ng karamdaman ni dating DPWH Sec. Manuel Bonoan.

Sa naganap na arraignment para sa kasong graft nitong Huwebes, Hunyo 4, naitanong ni Econg kung bakit ganoon karami ang sakit ng opisyal matapos mabasa ang ulat ng pulisya.

Ayon sa impormasyong inihain sa korte, dumaranas si Bonoan ng acute coronary syndrome, chronic kidney disease, prostate cancer, diabetes, heart failure, carcinoma, at pananakit ng gulugod.

Hindi nakasipot sa pagbasa ng sakdal ang dating kalihim dahil naka-confine ito sa isang pribadong ospital para sa angiogram.

--Ads--

Nahaharap sina Bonoan at Senador Jinggoy Estrada sa mga kasong graft at plunder bunsod ng umano’y anomalya sa mga flood control projects.