Kinumpirma ng isang noon time show host na si Ryan Bang na tapos na ang kanyang relasyon sa dating fiancée na si Paola Huyong.
Sa latest vlog ni Vice Ganda ibinahagi ni Ryan na siya ay single na ngayon at binuksan ang tungkol sa naging takbo ng kanilang relasyon.
Ayon kay Ryan, sinubukan niyang ayusin ang kanilang relasyon at umaasa siyang maaayos pa ito, ngunit hindi na umano ito umabot sa inaasahang pagpapatuloy.
Giit pa niya, hindi niya nakita ang biglaang paghihiwalay at inakala niyang maaayos pa ang kanilang pinagdadaanan bilang magkasintahan.
Inamin din ng TV host na may mga naging pagkukulang siya sa relasyon, ngunit mariin niyang itinanggi ang mga paratang ng panloloko, at iginiit na hindi siya kailanman nangaliwa sa anumang relasyon.
Ayon sa kanya, isa sa naging pangunahing dahilan ng kanilang breakup ay ang pagkakaiba sa kultura, paniniwala, at pananaw pagdating sa relasyon at pagpapakasal.
Ibinahagi rin ni Ryan na matapos ang pag-uusap ng kanilang mga pamilya, napagtanto niya na kailangan na niyang bumitaw sa relasyon, na inilarawan niyang isa sa pinakamabigat at pinakamadilim na yugto ng kanyang buhay.








