--Ads--
Tiniyak ng Malacañang na may sapat na ayuda at pondo para sa mga biktima ng magnitude 7.8 na lindol sa Maasim, Sarangani at mga karatig-lalawigan nitong Lunes.
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, nakahandang gamitin ang quick response fund ng mga ahensya ng pamahalaan.
Agad ding nag-utos si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pakilusin ang lahat ng ahensya para sa rescue operations at tulong sa mga apektadong mamamayan.
Sa ngayon, patuloy ang assessment ng mga lokal na pamahalaan sa mga pinsala sa gusali at mga naiulat na sugatan sa Mindanao.
--Ads--











