--Ads--

Umakyat na sa 86,245 indibidwal ang kabuuang bilang ng mga residenteng naapektuhan ng malakas na magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao, ayon sa ulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang mga apektadong residente ay binubuo ng 19,229 pamilya mula sa 56 na barangay sa Zamboanga Peninsula, Davao Region, at SOCCSKSARGEN.

Dahil sa pinsala ng pagyanig, pansamantalang lumikas ang 5,043 pamilya o katumbas ng 17,880 indibidwal sa 33 evacuation center na binuksan sa iba’t ibang dako ng Mindanao. Samantala, mayroon namang 270 pamilya o 1,085 indibidwal ang piniling makituloy muna sa kanilang mga kamag-anak o kakilala.

Bilang paunang tulong, nagkaloob na ang departamento ng tulong na nagkakahalaga ng P121,000 para sa mga biktima.

--Ads--

Inaasahang madaragdagan pa ang ipamamahaging relief supply at ayuda sa mga susunod na araw habang nagpapatuloy ang pagsusuri sa mga apektadong komunidad.