--Ads--

Hindi makakalahok sa FIFA World Cup ang isang referee mula Somalia matapos siyang tanggihan ng U.S. immigration authorities sa pagpasok sa bansa dahil sa umano’y “vetting concerns,” ayon sa Customs and Border Protection (CBP).

Dumating sa Miami International Airport mula Istanbul noong Hunyo 6 ang Somali referee, ngunit hindi siya pinayagang makapasok matapos ang karagdagang inspeksyon. Bagama’t hindi tinukoy ng CBP ang pangalan, kinumpirma ng FIFA na si Omar Artan ang apektadong match official.

Ayon sa FIFA, hindi na siya makakapagsanay at makapag-o-officiate sa World Cup, at nilinaw na ang mga desisyon sa visa at entry ay nasa host country.

Batay sa ulat, may valid U.S. visa si Artan ngunit nananatiling hindi malinaw ang eksaktong dahilan ng pagtanggi sa kanya. Kalaunan, bumalik siya sa Istanbul.

--Ads--

Si Artan, na kinikilala bilang isa sa mga top referee sa Africa at unang Somalian na napili sa men’s World Cup finals officiating, ay pinarangalan bilang CAF Men’s Referee of the Year noong 2025.

Sa kabila ng insidente, sinabi ni Artan na nananatili siyang positibo at magpapatuloy sa kanyang career, habang nagpahayag ng suporta ang ilang opisyal ng Somalia sa kanyang sitwasyon.