--Ads--

Nagsimula nang maganda ang kampanya ng France sa FIFA World Cup 2026 matapos nitong talunin ang Senegal, 3-1, sa kanilang unang laban sa Group I.

Matinding depensa ang ipinakita ng Senegal sa malaking bahagi ng laban at nagawa nitong pigilan ang opensiba ng France sa unang yugto ng laro. Gayunman, nabasag din ang depensa ng Senegal sa ikalawang bahagi ng laban nang pangunahan ni Kylian Mbappé ang pag-atake ng French squad.

Naunang umiskor si Mbappé sa ika-66 na minuto upang ibigay sa France ang 1-0 na kalamangan. Nadagdagan pa ito nang makapagtala ng isa pang goal si Bradley Barcola sa ika-82 minuto para sa 2-0 bentahe.

Hindi sumuko ang Senegal at nakabawi sa pamamagitan ng goal ni Ibrahim Mbaye sa injury time upang paliitin ang agwat, 2-1. Subalit agad ding nakabawi ang France nang muling makahanap ng pagkakataon si Mbappé at naitala ang kanyang ikalawang goal sa laban sa mga huling sandali ng injury time upang tuluyang iselyo ang 3-1 panalo.

--Ads--

Dahil sa tagumpay, nakakuha ang France ng mahalagang tatlong puntos sa Group I at pinalakas ang kanilang kampanya patungo sa susunod na yugto ng torneo.