--Ads--

Muling ipinakita ng Pinay tennis star na si Alex Eala ang kanyang galing matapos talunin ang world No. 2 na si Elena Rybakina sa straight sets, 7-5, 6-4, upang makapasok sa quarterfinals ng Berlin Open nitong madaling araw ng Biyernes.

Ito ang kauna-unahang panalo ni Eala laban sa reigning Australian Open champion, at idinagdag niya si Rybakina sa lumalaking listahan ng kanyang mga napatumbang top-10 players sa mundo.

Matatandaang nagkaharap na rin ang dalawa kung saan nanaig si Rybakina sa clay court ng Italian Open. Sa pagkakataong ito, nanaig si Eala sa kanyang mahusay na laro sa grass court.

Patuloy ang impresibong kampanya ng 19-anyos na si Eala sa grass season matapos nitong masungkit ang WTA 125 Birmingham Open title noong nakaraang linggo.

--Ads--

Sa opening round ng Berlin Open, tinalo rin niya si Queen’s Club champion Donna Vekic sa iskor na 7-5, 6-4 bago tuluyang pabagsakin ang No. 2 seed na si Rybakina.