Nakakaranas ngayon ang Sri Lanka ng isa sa pinakamalalang dengue outbreak sa mga nakalipas na taon, kung saan mahigit 44,000 kaso at 28 pagkamatay na ang naitala mula Enero, ayon sa mga awtoridad.
Ayon sa ulat, mabilis ang pagtaas ng kaso ng dengue na dala ng lamok, lalo na matapos ang pinsalang iniwan ng Cyclone Ditwah at dahil na rin sa hindi maayos na urbanisasyon na nagdulot ng maraming lugar na pinamumugaran ng lamok.
Base sa National Dengue Control Unit, halos dumoble ang kaso mula Abril hanggang unang bahagi ng Hunyo, dahilan upang ma-overwhelm ang mga pampublikong ospital.
Nagbabala rin ang mga health officials na posibleng magpatuloy pa ang pagtaas ng kaso sa susunod na mga linggo bago ito bumaba, habang nagpapatuloy ang malawakang clean-up drive sa buong bansa upang pigilan ang pagkalat ng sakit.





