--Ads--

Pitong katao ang nasawi habang tatlo ang nasugatan matapos magdulot ng matinding pagbaha at pagguho ng lupa ang tuloy-tuloy na pag-ulan sa Sri Lanka, ayon sa Disaster Management Centre ng bansa.

Dahil sa masamang panahon, isinara ng pamahalaan ang mga paaralan sa mga bulubunduking lugar na kilala sa produksyon ng tsaa. Dalawa pa ang iniulat na nawawala habang nagpapatuloy ang search and rescue operations.

Ayon sa mga awtoridad, umabot na sa 129 na bahay ang napinsala at halos 2,000 residente ang inilikas sa mas ligtas na lugar. Nagpadala na rin ng mga tauhan ng hukbong-dagat at hukbong-kati ang pamahalaan upang sagipin ang mga residenteng na-trap sa baha.

Pinakamalubha ang epekto ng pag-ulan sa gitnang bahagi ng bansa, kung saan maraming kalsada ang nabara dahil sa pagguho ng lupa, malalaking bato, at natumbang mga poste ng kuryente.

--Ads--

Nagaganap ang panibagong sakuna habang patuloy pang bumabangon ang Sri Lanka mula sa pinsalang idinulot ng Cyclone Ditwa noong Nobyembre, na ikinasawi ng halos 640 katao at nakaapekto sa mahigit dalawang milyong residente.