--Ads--

Easterlies o ang mainit at mamasa-masang hanging nagmumula sa Karagatang Pasipiko ang kasalukuyan paring nakakaapekto sa silangang bahagi ng Luzon at Visayas.

Sangayon minomonitor na ng PAGASA ang Super Typhoon Bavi na nasa labas parin ng PAR. Huling namataan ito sa layong 2,985 kilometro silangan ng Eastern Visayas.

Taglay ng bagyo ang pinakamalakas na hanging aabot sa 195 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 240 kilometro kada oras. Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Sa kabila nito, wala pang direktang epekto ang Super Typhoon Bavi sa alinmang bahagi ng bansa.

--Ads--

Samantala, inaasahan ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan o pagkulog at pagkidlat sa Cagayan Valley, Bicol Region, Eastern Visayas, Aurora, Quezon, at Dinagat Islands dulot ng easterlies.

Posible ang pagbaha at pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar kapag nagkaroon ng malalakas na thunderstorms.

Sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa, asahan pa rin ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may mga pulu-pulong pag-ulan o thunderstorms dulot ng localized thunderstorms.

Pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto lalo na sa mga lugar na madaling bahain at magkaroon ng pagguho ng lupa tuwing may matinding pag-ulan.