--Ads--

Dinagsa ng libu-libong mamamayan ang mga lansangan ng Iran ngayong araw para sa prusisyon ng libing ng kanilang Supreme Leader na si Ali Hosseini Khamenei.

Nagsimulang magtipon ang mga Iranians bago sumikat ang araw habang inililibot sa lungsod ang mga kabaong na nababalutan ng watawat ng Iran. Dinig din ang mga sigaw laban sa Estados Unidos at Israel mula sa ilang dumalo.

Dumalo rin sa seremonya ang dating pangulo ng Iran na si Mahmoud Ahmadinejad.

Samantala, sinabi ng top negotiator ng Iran na si Mohammad Bagher Ghalibaf na mahirap ngunit posible ang pagpapatupad ng kasunduang tigil-putukan sa pagitan ng Iran at Estados Unidos.

--Ads--