--Ads--

Ipinagbawal pansamantala ng Australia ang pagpasok ng mga mamamayan ng Iran dahil sa lumalalang tensyon dulot ng digmaan sa pagitan ng Estados Unidos at Israel laban sa Iran, na nagdudulot ng panganib na ang mga may hawak ng Iranian passport ay hindi makakabalik sa kanilang bansa kapag nag-expire ang kanilang short-term visitor visa.

Ayon sa Department of Home Affairs ng Australia, ang pagbabawal ay tatagal ng anim na buwan at isinagawa ito bilang hakbang sa pambansang interes dahil sa mabilis na pagbabago ng pandaigdigang sitwasyon.

Ang ban ay naaaplay sa mga Iranian na kasalukuyang nasa labas ng Australia, kahit na may Australian visitor visa para sa turismo o trabaho.

May mga exemption para sa mga mamamayan ng Iran na nasa Australia na, nasa transit papuntang Australia, asawa o de facto partner, dependent na anak ng Australian citizen, at mga may permanent visa.

--Ads--

Maaari ring bigyan ng exemption ang mga magulang ng Australian citizen at iba pang kaso na susuriin isa-isa.