Naaresto ng pinagsanib na pwersa ng kapulisan ang isang Most Wanted Person na nahaharap sa kasong Murder sa isinagawang operasyon sa Brgy. Aklan Village, Diffun, Quirino.
Kinilala ang naaresto na si alyas “Ed” , 54 taong gulang, may asawa, magsasaka, at residente nang Jones, Isabela.
Pinangunahan ng Jones Municipal Police Station ang operasyon sa pakikipagtulungan ng Diffun Municipal Police Station, 205th RMFB, 3rd Platoon, 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company, RMU2, PIU, at PIDMU ng Isabela Police Provincial Office.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest paras sa kasong Murder, na walang inirekomendang piyansa at kasalukuyang nasa kustodiya ng Jones Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at paghahanda sa kanyang turnover sa korte na nagpalabas ng warrant.










