--Ads--

Arestado ang apat na Most Wanted Persons matapos ipatupad ng mga operatiba ng San Pablo Police Station ang mga Warrant of Arrest laban sa kanila kaugnay ng mga kasong Murder at Frustrated Murder sa Sitio Catentengan, Barangay Ballacayu, San Pablo, Isabela, Nobyembre 5, 2026.

Kinilala ang mga naaresto na sina alyas “Bern”, 50-anyos; alyas “Cholo”, 40-anyos; alyas “BJ,” 26-anyos; at alyas “Bobby,” 24-anyos, pawang residente ng nasabing lugar.

Batay sa ulat, ipinatupad ng Tracker Team ng San Pablo Police Station ang mga warrant of arrest at nahaharap sina “Bern” at alyas “Bobby” sa kasong Murder, habang kabilang din si “Bern” sa kasong Frustrated Murder. Samantala, sina alyas “Cholo”, at alyas “BJ,” kasama ang dalawa pang akusado, ay nahaharap din sa kasong Frustrated Murder.

Walang inirekomendang piyansa para sa kasong Murder, habang nakatakda sa halagang PHP200,000.00 bawat isa ang piyansa para sa kasong Frustrated Murder, alinsunod sa nakasaad sa mga warrant of arrest.

--Ads--

Ang naturang operasyon ay naging matagumpay sa pamamagitan ng Target Intelligence Packets na inihanda ng San Pablo Police Station bilang bahagi ng pinaigting na intelligence-driven police operations ng Isabela Police Provincial Office.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng San Pablo Police Station ang mga naarestong indibidwal habang hinihintay ang kanilang turnover sa nag-isyu na hukuman.