--Ads--

Arestado ng pinagsanib na puwersa ng kapulisan ang isang Regional Top 5 Regional Most Wanted Person dahil sa kinakaharap na mga kasong may kaugnayan sa pang-aabusong seksuwal sa isang menor de edad.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest sa Purok 1, Barangay San Francisco, Cauayan City, Isabela, kinilala ang akusado na si alyas “Jessy”, 28 taong gulang, isang construction worker at residente ng Barangay Bautista, San Agustin, Isabela.

Isinagawa ang operasyon ng Tracker Team ng Cauayan City Police Station katuwang ang Isabela Provincial Highway Patrol Team, Provincial Intelligence Unit ng Isabela Police Provincial Office at Regional Intelligence Unit 2 – Police Intelligence Team Isabela East.

Nahaharap ang naarestong suspek sa mga kasong Acts of Lasciviousness in Relation to Republic Act No. 7610; apat na bilang ng Statutory Rape; at tatlong bilang ng Rape by Sexual Assault na walang inirekomendang piyansa para sa mga kasong Statutory Rape at Rape by Sexual Assault, habang nagkakahalaga naman ng PHP108,000 ang inirekomendang piyansa para sa kasong Acts of Lasciviousness in Relation to RA 7610.

--Ads--

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng Cauayan City Police Station ang naarestong suspek habang hinihintay ang kanyang paglilipat sa korte na naglabas ng warrant of arrest. Naitala rin ang warrant sa E-Warrant System.