--Ads--

Idineklara ng pamahalaan ng Pennsylvania ang Hulyo 24 bilang “LeBron James Day” kasunod ng paglagda ng NBA superstar sa kanyang kontrata sa Philadelphia 76ers.

Agad na naglabas ng proklamasyon si Pennsylvania Governor Josh Shapiro bilang pagkilala sa makasaysayang karera ni James, sa kanyang mga natamong rekord, at sa inaasahang ambag niya sa koponan ng Philadelphia.

Sa kanyang pahayag, binalikan ni Shapiro ang ilan sa pinakamalalaking tagumpay ni James kabilang ang apat na NBA championships, pagiging all-time leading scorer ng NBA mula noong 2023, pagkapanalo ng maraming Most Valuable Player (MVP) awards, tatlong Olympic gold medals, at 22 beses na pagkakapili bilang NBA All-Star.

Bukod sa kanyang husay sa basketball, binigyang-diin din ng gobernador ang malawak na ambag ni James sa mga komunidad sa pamamagitan ng iba’t ibang programang pang-edukasyon at pangkabuhayan na kanyang itinaguyod.

--Ads--

Kabilang dito ang pagtulong sa mga out-of-school youth, pagbibigay ng scholarship at college support sa mga estudyante, pagtatayo ng mga pabahay, at paghahatid ng pagkain, gamot, at iba pang serbisyong panlipunan sa mga nangangailangan.

Ayon kay Shapiro, ang mga gawaing ito ay patunay ng dedikasyon ni James sa pagtulong sa kapwa at sa pagbibigay ng inspirasyon sa milyun-milyong kabataan at pamilya.

Matatandaang pumirma si James ng dalawang taong kontrata na nagkakahalaga ng $8 milyon sa Philadelphia 76ers, kung saan makakasama niya ang mga kapwa MVP na sina Joel Embiid at Jalen Brown para sa susunod na yugto ng kanyang NBA career.