Nakatakdang bumiyahe patungong Kuala Lumpur, Malaysia ngayong Sabado, Nobyembre 21, ang unang batch ng Gilas Pilipinas na pangungunahan ni head coach Tim Cone at assistant coach Richard del Rosario upang simulan ang paghahanda para sa ikalimang window ng FIBA World Cup 2027 Asian Qualifiers.
Kabilang sa mga inaasahang aalis mula Maynila sina PBA stars Scottie Thompson, Chris Newsome, CJ Perez, Dwight Ramos at Juan Gomez De Liaño.
Samantala, manggagaling naman sa Japan sina Kai Sotto, Quentin Millora-Brown at AJ Edu, habang mula South Korea naman si Kevin Quiambao upang makasama ang koponan sa Malaysia.
Inaasahang darating sa Kuala Lumpur sa Nobyembre 23 ang bagong naturalized player ng Gilas na si Bennie Boatwright, na kasalukuyang naglalaro para sa Fujian Sturgeon sa China.
Ilang araw lamang ang ilalaan ni Boatwright upang makasanayan ang sistema ng koponan sa ilalim ni Cone bago ang kanilang mga nakatakdang laban.
Makakaharap ng Pilipinas ang Syria sa Nobyembre 27 at Iran sa Nobyembre 29 sa Seremban, Malaysia.











