--Ads--

Hinimok ni Sen. Panfilo Lacson ang publiko na subaybayan ang mga pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng umano’y mga maanomalyang infrastructure projects sa Taguig City.

Sinabi ni Lacson na doon malalaman ng publiko ang mga detalye ng limang kasong isinumite nila sa Office of the Ombudsman, kabilang ang mga alegasyon ng ghost projects, dobleng paglalaan ng pondo, at iba pang iregularidad.

Tugon ito sa pahayag ni Sen. Alan Peter Cayetano na tinawag na “malicious” ang mga akusasyon laban sa mga proyekto ng Taguig.

Samantala, sinabi ni Sen. Erwin Tulfo na posibleng magsagawa ng pagdinig ang Blue Ribbon Committee sa susunod na linggo hinggil sa umano’y mga anomalya sa flood control projects.

--Ads--