--Ads--

Patay ang hindi bababa sa 18 Palestinian matapos muling magsagawa ng airstrikes ang Israel sa iba’t ibang bahagi ng Gaza nitong Linggo, ayon sa mga awtoridad sa kalusugan ng Palestina.

Kabilang sa mga tinamaan ang Gaza City, Deir al-Balah, at Khan Younis, na nagresulta sa pinakamataas na bilang ng nasawi sa loob ng ilang linggo.

Nangyari ito sa kabila ng pahayag ni US President Donald Trump na may naging pag-usad sa usapin ng tigil-putukan at pagdidisarma ng Hamas.

Gayunman, sinabi ni Israeli Energy Minister Eli Cohen na wala pang kasunduang magpapahinto sa opensiba ng Israel. Aniya, bibigyan nila ng pagkakataon ang Hamas na isuko ang kanilang mga armas, ngunit nananatili siyang nagdududa na mangyayari ito.

--Ads--

Iginiit din ng pamahalaan ng Israel na kailangang ganap na madisarmahan ang Hamas bago magkaroon ng anumang kasunduan upang tuluyang matigil ang labanan sa Gaza.