--Ads--

Pitong katao, kabilang ang tatlong bata, ang nasawi matapos tamaan ng drone ang isang mataong beach sa southern Russia.

Ayon kay Krasnodar Governor Veniamin Kondratyev, 40 katao ang nasugatan at 17 sa mga ito ang naospital matapos ang pagsabog sa dalampasigan ng Arkhipo-Osipovka sa Black Sea.

Inakusahan ni Kondratyev ang Ukraine ng sinadyang pag-atake sa mga sibilyan, ngunit wala pang pahayag ang Kyiv kaugnay nito. Kapwa naman itinatanggi ng Russia at Ukraine ang sadyang pag-target sa mga sibilyan.

Hindi pa malinaw kung ano ang target ng drone. Ayon sa ilang ulat, maaaring bumagsak ito dahil sa electronic warfare, habang may mga saksi namang nagsabing may narinig na putok bago ang pagsabog.

--Ads--

Nasa bakasyunan ang ilang turista nang mangyari ang insidente, na nagdulot ng takot at pinsala sa lugar.