--Ads--

Tinawag ni House prosecution counsel Atty. Lorna Kapunan na isang “scam” ang paggamit ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) ng milyun-milyong confidential funds sa gitna ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ngayong Martes, Agosto 4.

Sa pagtatanong kay dating Commission on Audit (COA) auditor Roderick Wamil, tinalakay ni Kapunan ang probisyon sa COA circular na nagsasabing ang pampublikong pondong hindi maipaliwanag o walang sapat na dokumentasyon ay maaaring magkaroon ng prima facie na presumption na nagamit sa personal na kapakinabangan ng isang opisyal.

Nang kumpirmahin ng testigo ang naturang probisyon, sinabi ni Kapunan, “Kung ako ang tatanungin, scam ito.”

Agad namang tumutol ang abogado ng depensa na si Atty. Michael Poa, na nagsabing hindi naaayon sa proseso ang naturang pahayag. Pinaboran naman ni Senate Impeachment Presiding Officer Francis “Chiz” Escudero ang pagtutol at iniutos na alisin sa opisyal na rekord ng impeachment court ang naging komento ni Kapunan.

--Ads--