--Ads--

Inilipat ng Sandiganbayan Second Division sa Agosto 18 ang arraignment ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan sa kasong graft dahil nakabinbin pa ang motion for reconsideration na inihain ng prosekusyon.

Ito ay matapos ibasura ng korte ang motion for leave to file amended information na naglalayong alisin si Bonoan bilang kapuwa-akusado ni Senador Jinggoy Estrada sa kasong may kaugnayan sa umano’y kickback scheme sa mga flood control project.

Iginiit ng prosekusyon na hindi mababago ang impormasyon ng kaso kahit tanggalin si Bonoan bilang akusado, salungat sa argumento ng depensa na maaapektuhan umano nito ang teorya ng kaso.

Samantala, hanggang ngayong Miyerkules ang itinakdang deadline para sa kampo ni Senador Estrada upang magsumite ng komento kaugnay sa motion for reconsideration ng prosekusyon.

--Ads--