--Ads--
Muling naglunsad ang North Korea ng ballistic missile patungo sa dagat sa silangang bahagi ng Korean Peninsula nitong Miyerkules, Agosto 12.
Ayon sa South Korea at Japan, humigit-kumulang 700 kilometro ang nilakbay ng missile bago bumagsak sa dagat sa labas ng exclusive economic zone ng Japan.
Kinondena ng Seoul at Tokyo ang naturang hakbang, habang nagpatawag ng emergency meeting ang South Korea dahil sa panibagong missile launch ng Pyongyang.
Naganap ito ilang araw bago ang nakatakdang joint military exercises ng South Korea at Estados Unidos mula Agosto 17 hanggang 27. Wala pang inilalabas na pahayag ang North Korea hinggil sa insidente.
--Ads--











