--Ads--

Nagpakawala ang North Korea ng hindi bababa sa isang ballistic missile patungo sa karagatan sa silangang bahagi ng Korean Peninsula, ayon sa militar ng South Korea.

Ayon sa South Korean Joint Chiefs of Staff, inilunsad ang missile mula sa Wonsan at lumipad nang mahigit 700 kilometro bago tumungo sa dagat.

Agad namang nagpulong ang national security office ng South Korea upang suriin ang insidente at nagtaas ng alerto para sa posibleng iba pang paglulunsad.

Nakipagpalitan din ng impormasyon ang South Korea sa Estados Unidos at Japan, habang naglabas ang Japan ng emergency alert kaugnay ng paglulunsad.

--Ads--

Ayon naman sa US Pacific Command, batay sa kanilang paunang pagsusuri, wala itong agarang banta sa mga tauhan o teritoryo ng Estados Unidos at mga kaalyado nito.