--Ads--
Nagsagawa ng test ang North Korea sa isang bagong high-speed torpedo system nito sa East Sea o Sea of Japan, bilang bahagi ng pagpapalakas ng kakayahan ng kanilang hukbong-dagat.
Inaasahang maipapasok sa serbisyo ng North Korean Navy ang naturang armas sa unang bahagi ng 2027.
Bagama’t walang inilabas na detalye sa teknikal na kakayahan nito, sinabi nitong napatunayan sa pagsubok ang pagiging epektibo ng bagong sistema.
Kasunod ito ng serye ng mga tests ng North Korea sa mga bagong armas, kabilang ang attack drones, precision-guided torpedoes at hypersonic missiles, sa gitna ng patuloy na tensyon sa Korean Peninsula.
--Ads--











