--Ads--

Kinumpirma ni actor-director John Prats na muli silang magsasama ni Heart Evangelista sa isang bagong proyekto, mahigit dalawang dekada matapos sumikat ang kanilang tambalang “John-Hart.”

Ayon kay Prats, pinag-uusapan na ng kanilang team ang proyekto kasunod ng mainit na pagtanggap ng mga tagahanga sa kanilang muling pagkikita matapos ang 23 taon. Bagama’t hindi pa tiyak kung pelikula o serye ito, sinabi niyang mananatili ang proyekto sa genre na minahal ng kanilang mga tagasuporta.

Iginiit ni Prats na ang pagbabalik-tambalan nila ni Evangelista ay nagsisilbing “biggest fan service” para sa kanilang mga tagahanga, lalo’t hindi umano sila nagkaroon noon ng solo project bilang magka-love team.

Dagdag pa niya, labis siyang natuwa sa positibong reaksyon ng publiko sa kanilang reunion at umaasa siyang maipalabas ang kanilang proyekto bago matapos ang 2026, bagama’t wala pang pinal na detalye hinggil dito.

--Ads--