Patuloy na nangingibabaw si Heart Evangelista sa international fashion scene sa Paris at Milan Fashion Weeks, habang ipinapakita rin ang kanyang talento bilang painter at jewelry designer.
Ginagamit niya ang kanyang malikhaing kamay sa pag-rework ng lumang alahas, sapatos, at bag para maging bago at maisama sa kanyang mga outfit videos. Pinuri siya ng mga tagasuporta bilang accomplished jewelry artist.
Consistent siyang topnotcher in terms of Earned Media Value (EMV) at Media Impact Value (MIV) para sa Paris at Milan fashion weeks na may MIV na $15.8 milyon at EMV na $11.2 milyon. Nakapag-generate rin siya ng $8 milyon EMV para sa Lacoste, kabilang sa 10 nangungunang brand sa event.
Ipinapakita ng mga numero ang kanyang impluwensya at patuloy na tagumpay sa fashion at creative industries.









