--Ads--

Inihayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ipatutupad na simula Sabado, Agosto 15, ang fuel subsidy na P12 kada litro para sa mga driver at operator ng public utility jeepney (PUJ) at UV Express.

Ayon sa LTFRB, ang mas mataas na subsidiya ay maaaring magbigay ng hanggang P1,800 na tipid kada linggo sa mga kwalipikadong benepisyaryo.

Sinabi ni Executive Secretary Ralph Recto na itinaas ang fuel subsidy upang maibsan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis bunsod ng krisis sa Gitnang Silangan.

Bukod dito, inatasan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ipagpatuloy ang pagpapatupad ng UPLIFT program o Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport, bilang ayuda sa mga Pilipinong naaapektuhan ng umiiral na tensyon sa Middle East.

--Ads--