--Ads--

Inalis na ng Department of Agriculture (DA) ang pansamantalang pagbabawal sa pag-aangkat ng mga heat-treated at canned pork products na ipinatupad dahil sa banta ng African swine fever (ASF).

Batay sa isinagawang risk analysis ng ahensya, napakababa ng biosecurity risk ng mga produktong sumailalim sa heat treatment at hermetic sealing.

Ayon sa DA, tanging mga industrially manufactured at rehistradong canned pork products sa Pilipinas ang papayagang maangkat.

Samantala, inalis na rin ng ahensya ang pansamantalang ban sa pag-aangkat ng domestic at wild birds mula sa Japan matapos itong ideklarang malaya sa bird flu.

--Ads--