--Ads--

Pansamantalang sinuspinde ng Department of Agriculture (DA) ang pag-aangkat ng mga produktong manok mula Denmark at produktong baboy mula Finland at Estonia dahil sa banta ng mga nakahahawang sakit sa mga hayop.

Sa ilalim ng Department Circular No. 57, ipinagbawal ang pag-aangkat ng mga buhay at ligaw na ibon, karne ng manok, itlog at iba pang kaugnay na produkto mula Denmark dahil sa outbreak ng Avian Influenza o bird flu.

Samantala, sa ilalim naman ng Circular Nos. 59 at 60, sinuspinde ang pag-aangkat ng mga buhay at ligaw na baboy, karne ng baboy, balat at iba pang produkto mula Finland at Estonia dahil sa African Swine Fever o ASF.

Awtomatiko ring binawi ang mga naunang aprubadong import clearance para sa mga nasabing hayop at produkto bilang hakbang upang maiwasan ang pagpasok at pagkalat ng mga sakit sa bansa.

--Ads--