--Ads--

Patuloy na magdadala ng ulan ang habagat sa malaking bahagi ng bansa ngayong Lunes ayon sa PAGASA.

Aasahan ang paminsan-minsang pag-ulan sa Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Zambales at Bataan.

Habang kalat-kalat na ulan at thunderstorms naman sa Metro Manila, Cordillera, Ilocos Norte, Batanes, Cagayan, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Occidental Mindoro.

Nagbabala ang weather bureau na maaaring magdulot ng flash floods at landslides ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa mga nabanggit na lugar.

--Ads--

Makakaranas din ng isolated rain showers o thunderstorms ang Visayas at iba pang bahagi ng Luzon dahil sa habagat, habang ang Mindanao ay makakaranas ng isolated na pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Patuloy ding mino-monitor ng PAGASA ang isang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR), na nasa 1,075 kilometro silangan ng Northern Luzon.

May katamtamang posibilidad itong maging tropical cyclone sa loob ng susunod na 24 oras.