--Ads--

Nagbigay ng paalala si actress at fashion icon Heart Evangelista sa mga social media influencer at iba pang personalidad na nakamit ang tagumpay na manatiling mapagkumbaba at mabait sa kapwa.

Sa isang panayam, ibinahagi ni Heart ang umano’y karanasan niya sa ilang taong pumupuna sa kanya sa likod ng kamera ngunit nagpapakita naman ng kabutihan kapag kaharap siya. Aniya, hindi lahat ng nakikita sa social media ay sumasalamin sa tunay na ugali ng isang tao.

Binigyang-diin din niya na hindi dapat ikahiya ang pagbili ng mga bagay na naka-sale at hinikayat ang publiko na maging mapanuri sa mga personalidad na kanilang hinahangaan online.

Ayon kay Heart, mahalagang manatiling nakatapak sa lupa sa kabila ng kasikatan at tagumpay. Aniya, mabilis magbago ang takbo ng mundo kaya dapat manatiling magalang, mapagpasalamat, at mabait sa lahat ng tao anuman ang kanilang estado sa buhay.

--Ads--