--Ads--
Muling kinansela ng Senate impeachment court ang nakatakdang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ngayong araw ng Miyerkules, Agosto 19, dahil sa inaasahang patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Habagat.
Ayon sa abisong inilabas ni Senate Secretary at Impeachment Court Clerk of Court Renato Bantug Jr., ipinag-utos ni Presiding Officer Chiz Escudero ang pagkansela ng pagdinig dahil sa inaasahang matinding pag-ulan.
Patuloy namang nakaaapekto ang Habagat sa Luzon at Visayas, habang nagpatupad ang Malacañang ng alternative work arrangements sa mga tanggapan ng gobyerno sa Metro Manila at iba pang lugar na apektado ng malakas na pag-ulan.










