--Ads--

Kinilala si Sophie Adenot bilang kauna-unahang babaeng French astronaut na nagsagawa ng spacewalk sa International Space Station o ISS.

Kasama ni Adenot ang American astronaut na si Anil Menon sa halos anim at kalahating oras na spacewalk upang palitan ang Space-to-Ground Antenna ng ISS, na ginagamit para sa mabilis na pagpapadala ng datos sa pagitan ng space station at NASA Mission Control Center sa Houston.

Matagumpay nilang natanggal ang sirang antenna ngunit hindi na ito napalitan ng bagong kagamitan dahil sa kakulangan sa oras, ayon sa NASA.

Si Adenot, 44, ay naging ikalawang European woman na nagsagawa ng spacewalk, kasunod ni Italian astronaut Samantha Cristoforetti noong 2022. Pinuri naman ni French President Emmanuel Macron ang milestone ni Adenot at tinawag itong isang tagumpay na maipagmamalaki ng France.

--Ads--

Si Adenot ay isang engineer at dating test pilot at naging ikalawang Frenchwoman na nakalipad sa kalawakan, kasunod ni Claudie Haigneré.