--Ads--
Umabot na sa 88 lungsod at munisipalidad ang nagdeklara ng state of calamity dahil sa epekto ng Habagat at mga bagyong Luis at Maymay, ayon sa Office of Civil Defense.
Kabilang sa mga lugar ang Pangasinan, Bataan, Bulacan, Pampanga, Zambales, Rizal, Cavite at Batangas.
Patuloy ang pagbaha sa ilang bahagi ng Pampanga, Bataan at Bulacan. Sa Pampanga, mahigit kalahati ng mga barangay ang nananatiling baha at halos isang milyong residente ang apektado.
Samantala, umabot na sa ₱1.4 bilyon ang tinatayang pinsala sa agrikultura sa Pampanga.
--Ads--
Nagbabala rin ang PAGASA sa posibleng pagtaas ng tubig sa ilang dam sa Luzon dahil sa patuloy na pag-ulan.










