--Ads--
Naabot na ng mga senator-judge ang consensus sa pagbabago ng oras ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte upang mapabilis ang mga pagdinig.
Ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian, posibleng ibalik sa hapon ang paglilitis upang mas mahaba ang oras ng bawat pagdinig, lalo’t nagsisimula na rin ang mga pagdinig sa 2027 national budget.
Target ng Senado na matapos ang impeachment trial bago Disyembre, ngunit maaari itong umabot sa susunod na taon dahil sa mabagal na takbo ng mga pagdinig at mga kanselasyon dulot ng masamang panahon.
Samantala, aminado si Gatchalian na maaaring makaranas ng pagod ang mga senador at kanilang staff dahil sa mas mahabang oras ng trabaho, ngunit nais nilang matapos agad ang impeachment trial.
--Ads--











