Nakatakdang tumestigo si Vice President Sara Duterte sa sarili niyang impeachment trial sa Senado sa Biyernes, Disyembre 4, upang sagutin ang mga paratang laban sa kaniya.
Sa manifestation na isinumite ng kaniyang legal team sa Senate Impeachment Court nitong Nobyembre 29, pormal na ipinaalam ng depensa ang planong iharap ang Bise Presidente bilang testigo.
Ayon sa abogado nitong si Michael Poa, layunin ni Duterte na pabulaanan ang lahat ng alegasyon at umano’y malisyosong paratang na nakasaad sa Articles of Impeachment.
Isinumite ang manifestation alinsunod sa direktiba ng Impeachment Court na dapat ipaalam ng bawat panig ang kanilang mga testigo nang hindi bababa sa limang araw bago ang nakatakdang pagharap ng mga ito.Nauna nang sinabi ni Duterte nitong Nobyembre 27 na hindi pa niya napag-uusapan noon ng kaniyang mga abogado kung haharap siya sa witness stand.











