--Ads--
Hindi bababa sa 46 katao ang nasawi matapos tumaob ang isang bangka sa Sokoto State sa hilagang-kanlurang bahagi ng Nigeria.
Ayon sa mga awtoridad, mahigit 70 katao ang sakay ng bangka, karamihan ay mga bata. 16 katao ang nailigtas habang 15 pa ang nawawala.
Patuloy ang search and rescue operation sa lugar, na mahirap maabot dahil malayo ito sa mga pangunahing komunidad.
Ayon sa mga awtoridad, karaniwan ang mga aksidente sa bangka sa Nigeria dahil sa sobrang dami ng pasahero, hindi maayos na mga sasakyang-dagat at mahinang pagpapatupad ng safety regulations.
--Ads--









